Anong klaseng tanong yan? Porke ba hindi kita tinetext, galit na ako? Porke ba hindi ako nagrereply sa message mo, galit na ako? Porke ba pumunta ako ng Makati galing Subic para makita ka pero hindi natuloy kasi namatay battery cellfone mo, galit na ako? Porke ba halos isang oras ako naghintay, galit na ako? Porke ba umuwi ako ng als-10, walang nakita at napala imbes na natulog dahil pagod sa byahe, galit na ako? Porke ba ilang beses mo na akong ipinagsawalang-bahala, galit na ako?
Alam mo ba na may warning ang celphone bago maubusan ng baterya? Hindi mo man lang sinabi na mamatay na pala battery mo. Alam mo na papunta na ako. Isang message lang. “Mamamatay na battery ko. Hintayin kita dito sa tapat ng bookstore.” Mahirap ba gawin yun?
Tang ina mo. Hindi mo pa ako nakikitang magalit!